Biographical film example
Itinadhana nga kaya sa apelyido ni Chelsea Manalo ang kanyang landas sa ika edisyon ng Miss Universe? Sa kabila ng naglalakihang mga pangalan sa mundo ng pageantry , si Chelsea Manalo ay nagniningning dahil sa kaniyang kakaiba at nakakabighaning kagandahan. Ang kanyang determinasyon ay sumasalamin sa kanyang pagnanais at potensyal na iuwi ang ikalimang korona ng Pilipinas sa kabila ng mahigpit na kompetisyon sa Miss Universe , kung saan na kandidata ang magtatagisan ng kani-kanilang ganda at talino.
Siya ang kauna-unahang Filipina-African American na magbibigay ng karangalan sa Pilipinas sa Miss Universe —isang malaking hakbang sa pagpapakita ng pagbasag sa mga tradisyunal na pamantayan ng kagandahan sa lipunang Pilipino. Hindi araw-araw makakakita ng Bulakenya sa entablado ng mundo. Noong Hunyo 9, pinarangalan siya ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng isang homecoming parade sa Malolos na nagpakita ng mainit na pagsalubong at pagmamalaki ng kanyang mga kababayang Bulakenyo.
Sa kanyang profile video para sa Miss Universe Philippines , ibinahagi ni Manalo na lumaki siya nang may mga insekyuridad at mababang kumpiyansa dahil sa pamimintas tungkol sa kanyang kulay ng balat at buhok. Ngunit dahil sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, nakatagpo siya ng hindi matitinag na kumpiyansa sa sarili. Kalaunan ay naging endorser siya ng Bench, isa sa mga nangungunang lokal na tatak ng mga damit sa Pilipinas, noong taong Ang kanyang unang paglahok sa mga pambansang timpalak ay noong nang sumali siya sa Miss World Philippines , kung saan nagtapos siya sa Top 15 mula sa 34 na kalahok.
Bukod sa kanyang pagtatapos ng kursong Tourism Management sa De La Salle Araneta University, siya ay masigasig na tagapagtaguyod ng edukasyon para sa mga kabataang katutubo, partikular na sa mga kabataan ng Tribong Dumagat.
Biopics of 2012 and 1995
Agaw-atensyon si Manalo sa maraming tagahanga sa social media , kabilang na ang Amerikanang supermodel na si Tyra Banks at ang dating Miss Universe Catriona Gray. Dalawang beses na nagbigay ng komento si Banks sa mga Instagram post ni Manalo bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang kampanya para sa Miss Universe Sa pamamagitan ng kanyang paglahok sa pageant na ito at pagsuporta sa mga adbokasiya na naglalayong magdulot ng pagbabago sa lipunan, ipinakita ni Manalo na ang tunay na kahulugan ng tagumpay ay hindi nasusukat sa koronang isinusuot—kundi sa kakayahang magbigay ng inspirasyon at pangarap para sa kanyang mga kababayan.
Sunday, 9 February Contact About.